blog comments powered by Disqus
blog comments powered by Disqus

Do your part!

With all these kaganapan sa Pilipinas na dala ng Habagat especially sa mga lugar na binaha I just realized how blessed and lucky I am! Kasi I have a shelter, walang baha sa lugar namin, and ligtas at kumpleto yung mga mahal ko sa buhay. Iniisip ko na lang na siguro kaya hindi kame sinubok ni God, kasi He knows na hindi kame kasing tatag at kasing tapang ng mga taong binaha ng bongga to the point na they need to evacuate pa and yung iba nawalan ng ari-arian and mga mahal sa buhay. :( Just so you know we are just 3mins away sa Marikina kung saan sooobrang binaha talaga! Kaya I’m really thankful na I’m safe and dry. 

Kaso ang hirap din ng ganitong pakiramdam, yung feeling na gustong gusto mong lumabas ng bahay at tumulong. Eto yung mga panahon na pinapangarap ko na sana may super powers ako para makatulong ako sa ibang tao. Hindi ‘to pakitang tao haa, but I really do wanna help. Kaso pag lumabas ako at pumunta sa affected areas ano namang gagawin ko dun? Paano ako makakapagligtas ng ibang tao sa ganung kataas na baha e hindi nga ako marunong lumangoy, wala naman kaming sariling rubber boat, helicopter or anything na magagamit na pangtulong na pwedeng ipahiram sa kanila.

So, dun ako sa last option. Sa simple pero effective… and prayer. Aminin ko hindi ako yung tipo ng tao na hobby ang pagdarasal, pero sa mga ganitong panahon eto na lang talaga yung magagawa ko para makatulong sa iba. Kaya kung lahat tayo magvovolt-in sa pagdarasal, pretty sure hindi tayo matitiis ni God. :)

Well, aside from praying may isa pang way para tumulong! DONATION! Ako hindi ko bet na pera ang ibigay sa mga private sectors… sigurusta kasi ako! Mas bet ko yung mga gamit na sure kang magagamit at makakarating talaga ng mga survivors.

So, this is the perfect time to raid your closet, 

  • gather your old clothes
  • blankets 
  • towels etc… 

Tas kung may extra money ka takbo na sa suking tindahan at mamakyaw ng:

  • bottled waters
  • noodles
  • canned goods
  • biscuits
  • soaps
  • toothpaste
  • toothbrush
  • tas mga gamot like paracetamol and antibiotics

After mag “shopping” at mag raid ng closet iforward na yang sa mga lugar na tumatanggap ng donations. Kayo na maghanap kun saan! Hahaha! I’m sure naman na sa mga ganitong kaganapan halos lahat ng establishment ready mag receive ng donations. Ganyan ka bonggels ang Pinoys! Pagdating sa bayanihan lahat GAME mag participate. So, go na! Iraid na ang closet at mag hoard na ng goods! Annnnnd, of course! DON’T FORGET TO PRAY para sa mga “survivors” ng delubyo na ‘to. :)
Peace and Love!
  1. iamdpbeltran reblogged this from iamkookijhe
  2. iamkookijhe posted this

period by KRUNK Interactive